binagoongang babi

August 19, 2008

binagoongang baboy

binagoongang baboy

nararapat lang siguro na sa pagkakataong ito ay isulat ko ang mga sumusunod sa ating sariling wika bilang pagpugay sa bagoong na siyang-siya at tunay na tunay na pilipino at sadyang umaayon sa panlasang atin lamang. maari rin nating masabi na sa mundo ng pagluluto, ang bagoong ang siyang nagbibigay uri o depinisyon sa kung ano man ang lutong pinoy: sa lasa, sa sangkap at sa uri ng paggawa.

1 asinan at lagyan ng itim na pamintang pino ang kalahating kilong baboy (liempo o kasim) na hiniwa-hiwa na pang-adobo (o puwede rin namang pang menudo).

2 isang-tabi ng kalahating oras o hanggang isang oras.

3 painitin ang isang malaking kawali at lagyan ng isang kutsarang mantika.

4 pakalatin ang mantika sa kawali.

5 pag mainit na ang kawali, ilagay ang baboy. hinaan ang apoy at iprito hanggang pumula ang baboy.

6 huwag alisin ang baboy at imbes, isang-tabi ang mga ito sa kawali ding yun at sa mantikang ginamit sa pagprito ng baboy, igisa ang dalawang pirasong bawang na dinikdik. papulahin lang ng kaunti at huwag hayaang masunog.

7 ihalo ang 3/4 na katamtamang laki na sibuyas na hiniwa nang pahaba.

8 isama na rin dito ang dalawang katamtamang laki ng kamatis na hiniwa sa maliliit na piraso (diced).

9 muling ihalo ang baboy sa paggisa at hayaang magmantika sa loob ng limang minuto gamit ang mahinang apoy.

10 lagyan ng sabaw ng pinakuluang manok hanggang sa matakpan ang kalahating kilong baboy. pakuluin gamit ang malakas na apoy.

11 pag kumulo na, sangkapan ng dalawang kutsarang asukal na puti. hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang karne.

12 haluan ng apat na kutsarang suka. hayaan lang kumulo at huwag haluin ng mailabas ang maasim na amoy ng suka.

13 pakuluin lamang at hayaang lumambot ang baboy hanggang sa mabawasan ang tubig at halos mantika na lang ang matira.

14 lagyan ng isang siling labuyo. o dalawa. o tatlo. o apat. o kung anuman ang sang-ayon sa panglasa.

15 ihalo ang limang kutsarang bagoong. kung sadyang mahilig sa bagoong, puwede pa itong dagdagan hanggang isang tasa. o dalawang tasa. kung ano ang swak sa panglasa.

16 ang binagoongang baboy ay hinahain kasama ang paksiw na bisugo o di kaya ang paksiw na bangus* na may kasamang piniritong talong. kasama siyempre ang mainit na kanin.

puwede rin namang palambutin muna ang baboy sa pamamagitang ng pagpapakulo nito. at pag malambot na ay papulahin sa pamamagitan ng pagprito nito bago igisa o igisa muna ang ang bawang, sibuyas at kamatis bago ihalo ang napalambot nang baboy at papulahin, lagyan ng asukal bago ihalo ang suka. pakuluin ang suka at ihalo ang bagoong, sili at apat na kutsarang sabaw ng pinakuluang manok.

pangkalahatang oras ng pagluluto: apatnapu at limang minutos hanggang isang oras.

ang mga lahok:

1/2 kilo pork (liempo or kasim) cut into cubes or into menudo cut
2 medium-sized tomatoes, diced
3/4 medium-sized onions sliced longitudinally
2 cloves garlic or 1 tablespoon, crushed
5 tablespoons bagoong (or a cup whichever is the preference)
4 tablespoons vinegar
2 tablespoons sugar
1 tablespoon cooking oil
1 -2 siling labuyo
chicken broth

*bukod sa binagoongang baboy, ang iba pang hinahain o ipinapartner sa paksiw na bangus ay ginisang munggo o piniritong tocino.

isang masayang kainan!

2 Responses to “binagoongang babi”

  1. lethe said

    …ang sarap ng dinner namin ngayon sigurado…salamat….

  2. budge said

    thanks! hope you had a good one.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: