isang kolektibong aksiyon

June 20, 2009

ang sabi nila, ano nga ba naman ang mabuhay ka sa mundo. kailangan mo ba talagang magpakahirap sa trabaho kung pwede ka na lang namang magpakasarap sa buhay. hindi ba kung tutuusin ay isa lang tuldok ang kasaysayan ng ating buhay kung ikukumpara sa kasaysayan ng ating mundo simula pa ng hindi pa naisusulat ang kasaysayan.

siguro naman kung susuriin mo ang ganitong pananaw ay may punto rin naman. ano ba nga naman ang buhay ng isang magsasaka o ang buhay ng isang katulad ni barack obama sa pangkalahatang kasaysayan ng ating mundo? sa tingin mo ba naman na ang e=mc2 ng isang propesor na tila hindi nagsusuklay ng buhok ay may kahihinatnan o importansya? sa tingin mo ba na ang imbensiyon ng telepono ng isang taong nagngangalang bell ay may silbi sa pangkahalatang litrato ng bagay-bagay? sa tingin mo ba, kung saka-sakaling mawawala si bill gates o si warren buffet sa mundong ito, may pakialam ba ang karamihan sa mga taong maiiwan nila? malamang maging laman ng mga pahayagan ng isang linggo at pagkatapos ay mabibilang na lang ang istorya ng buhay nila sa mga librong kinumisyon ng kanilang mga pundasyon o pamilya.

pero bumalik tayo sa puntong kung ang buhay ng isang ordinaryong tao ay tatagal ng mga limampu o hanggang animnapung taon, may kahihinatnan kaya ito sa kasaysayan ng mundong nagkakaedad na nang milyong taon. ano nga ba ang animnapung taong buhay mo, matagumpay ka man sa napili mong propesyon o maging tambay ka man sa kanto skung ikukumpara sa milyong taong kasaysayan ng mundo. so why bother achieving something in your life when you’re nothing but a speck (not even!) in the history of humankind.

pero sa isang banda, kung susuriin mo ang kasaysayan ng mundo, malamang nagkakaskas pa rin tayo ng bato o ng kahoy para lang magkalingas o magkaapoy ang mga hibla ng tuyong dahon kakailangin natin sa pagpapainit ng ating kapaligiran o sa pagluto ng karne ng bagong katay na baboy damo.

dahil na rin siguro sa kolektibong kontribusyon ng ating mga ninuno na napunta tayo sa estado ng ating buhay na kung saan may mga makabagong teknolohiya na nagpapadali sa pamumuhay natin. nandiriyan ang pagliit ng mundo sa pamamagitan ng internet at ang pagsulpot ng mga makabagong komunikasyon katulad ng radyo, telebisyon at selpon.

di rin natin siguro makakaila na sa isang kolektibong aksyon nagkaroon ng pagkakataon ang mga minorya ng ating lipunan na magkaroon ng boses di lang sa paggawa ng batas kundi na rin ng partisipasyon sa pagpapatakbo ng gobyerno.

ganito rin siguro ang kailangan natin sa pagtutol sa mga di makatarungang isinasabatas ng ating mga mapanglinlang na mambabatas para lang maipasa ang kani-kaniyang interes. isang kolektibong aksyon na di lang matatapos sa pagsupil sa mga lideratong may hangaring saliwa sa hangarin ng karamihan ng ating mga kababayan. isang kolektibong aksyon na kung saan maipagpapatuloy natin ang pagbantay sa mga lideratong na may pangsariling interes at isang kolektibong aksyon na makakatulong sa ating sariling interes bilang mamamayan ng bansang ito.

maaaring mas kinakailangan nating ang isang matinding kolektibong aksyon di na lang sa paglaban sa mga mapaniil na liderato ng ating bansa kundi na rin isang pandaigdigang kolektibong aksyon upang labanan ang mga modernong problemang kinahaharap ng mundo natin katulad ng polusyon, sa pagkalap ng basura, sa pakikiisa sa pagbigay galang sa inang lupa, ang pagtigil ng iligal na pamumutol ng kahoy, ang paglaban sa paglaya ng ating mga kababayang nalulugmok sa kahirapan, sa mga karumal-dumal na krimen, sa pagkalat ng droga sa ating kapaligiran at marahil marami pang bagay na kinakaharap sa pagsagip ng ating kapaligiran at pati na rin ng mundong siya lang nating matatawag na tirahan.

ang punto ko lang po, kung pagtutulung-tulungan nating lahat ang mga nararapat gawin bilang isang mamamayan ng ating bansa at pati na rin bilang mamamayan ng ating planeta ay magkakaroon ng isang malaking kabuluhan sa pag-usad ng sibilisasyon kung ikukumpara sa maggagawa nating bilang isang indibidwal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: